Caregivers AHON Guide

Paghahanda sa loob ng bahay :

  • Magtalaga ng dry zone. Ito ay isang mataas at matibay na lugar (tulad ng dining table o reinforced na kama) kung saan maaaring umakyat ang PWD kapag tumataas ang tubig.

  • Maglagay ng safety kit sa dry zone. Siguraduhing may laman itong malinis na tubig, pito/whistle, at maliwanag na tela para madaling makita.

  • Ipwesto ang PWD kung saan sila madaling makita ng rescuer (malapit sa bintana o mataas na lugar).

  • Para maiwasan ang pagkalunod at impeksyon: panatilihing nasa tuyo at malinis na lugar ang PWD, iwas sa direktang contact sa baha.
  • Siguraduhing nasa lugar na madaling makuha ang assistive devices (wheelchair, saklay, atbp.).

  • Maghanda ng makeshift flotation aid (mga malalaking bote na walang laman o lalagyang plastik na mahigpit ang takip).

Sa pag-alalay :

  • Alalayan nang maayos at dahan-dahan
  • Sabayan ang galaw at pace ng PWD
  • Siguraduhing hindi madulas ang dadaanan
  • Maaaring gumamit ng gait belt o transfer belt kung meron Para mas kontrolado ang pag-alalay at iwas mabalian

Siguraduhing dala ang mahahalaga :

  • Wheelchair, saklay, o ibang assistive device
    Huwag iwanan—kailangan ito para makagalaw
  • Gamot at personal na gamit

Sa pag-iilaw :

  • Headlamp kung meron
    para parehong kamay magamit sa pag-alalay
  • Kung flashlight lang, siguraduhing hindi sagabal. Kung may tali o strap, isabit sa pulso o kamay para hindi mahulog.

Habang Nasa Baha:

  • Kung may floater o life vest, ipasuot agad sa may kapansanan
  • Kung wala, iwasan ang malalim o mabilis na tubig hangga’t maaari