Physical Disability AHON Guide
Kung ikaw ay mag-isa:
- Kung may maagang babala ng baha o abiso ng paglikas, makalikas agad habang kaya pa
- Kung kailangan ng tulong, humingi agad sa pamilya, kapitbahay, o barangay.
- Kung hindi makalikas, manatili sa pinakaligtas na bahagi ng bahay, lumayo sa tubig, at ipaalam sa iba ang iyong kalagayan.
Pakikipag-ugnayan at paghingi ng tulong:
- Makipag-ugnayan sa pre-arranged buddy system o support group upang maipaalam ang iyong lokasyon sa bahay.
- Tumawag sa emergency responders o barangay kung kinakailangan.
- Gamitin ang MEAWW (Me, Emergency, Address, When, Who) sa pagbibigay ng malinaw na impormasyon.
Tamang posisyon aty kaligtasan:
- Pumwesto sa nakikitang lugar, tulad ng bintana o malapit sa entry point.
- Manatili sa mataas at matibay na lugar upang maiwasan ang pag-abot ng tubig.
- Panatilihing abot-kamay ang assistive device at hawakan ito kung kinakailangan.
Paggalaw at Pisikal na Kaligtasan:
- Gamitin ang lakas ng itaas na bahagi ng katawan hangga’t kaya.
- Iwasan ang pagpwersa sa ibabang bahagi ng katawan upang maiwasan ang injury.
- Kung kailangang gumalaw:
- Kumilos nang dahan-dahan
- Iwasan ang madulas at mabilis na agos ng tubig
Maghanda ng Kagamitan :
- Panatilihing malapit ang medical kit at mga gamot.
- Maghanda ng headlamp o anumang ilaw para may malinaw na paningin habang gumagalaw.