Caregivers AHON Guide
Paghahanda sa loob ng bahay :
- Magtalaga ng dry zone. Ito ay isang mataas at matibay na lugar (tulad ng dining table o reinforced na kama) kung saan maaaring umakyat ang PWD kapag tumataas ang tubig.
Maglagay ng safety kit sa dry zone. Siguraduhing may laman itong malinis na tubig, pito/whistle, at maliwanag na tela para madaling makita.
- Ipwesto ang PWD kung saan sila madaling makita ng rescuer (malapit sa bintana o mataas na lugar).
- Para maiwasan ang pagkalunod at impeksyon: panatilihing nasa tuyo at malinis na lugar ang PWD, iwas sa direktang contact sa baha.
- Siguraduhing nasa lugar na madaling makuha ang assistive devices (wheelchair, saklay, atbp.).
- Maghanda ng makeshift flotation aid (mga malalaking bote na walang laman o lalagyang plastik na mahigpit ang takip).
Sa pag-alalay :
- Alalayan nang maayos at dahan-dahan
- Sabayan ang galaw at pace ng PWD
- Siguraduhing hindi madulas ang dadaanan
- Maaaring gumamit ng gait belt o transfer belt kung meron – Para mas kontrolado ang pag-alalay at iwas mabalian
Siguraduhing dala ang mahahalaga :
- Wheelchair, saklay, o ibang assistive device
– Huwag iwanan—kailangan ito para makagalaw - Gamot at personal na gamit
Sa pag-iilaw :
- Headlamp kung meron
– para parehong kamay magamit sa pag-alalay - Kung flashlight lang, siguraduhing hindi sagabal. Kung may tali o strap, isabit sa pulso o kamay para hindi mahulog.
Habang Nasa Baha:
- Kung may floater o life vest, ipasuot agad sa may kapansanan
- Kung wala, iwasan ang malalim o mabilis na tubig hangga’t maaari