Home

Pagbuo ng Mas Inklusibong Komunidad para sa mga Taong may Kapansanan sa Paa

Nakatutulong ang Ahon sa mga indibidwal, pamilya, at tagapag-alaga upang magkaroon ng akses sa impormasyon at suporta bago, habang, at pagkatapos ng sakuna.

Ano ang Ahon?

Ang AHON ay gabay sa kaligtasan sa baha para sa may limitadong galaw at tagapag-alaga—nakatuon sa praktikal na estratehiya at paghahanda para sa ligtas na pagkilos.

Bakit Mahalaga ang Paghahanda?

Sa panahon ng baha, ang paghahanda ay mahalaga upang masiguro ang mas ligtas na pagkilos para sa mga may limitadong galaw at kanilang tagapag-alaga. Ang pagkakaroon ng gabay at plano ay nakababawas sa takot, pag-aalinlangan, at panganib.

Nababawasan ang panganib at pinsala

Mas mabilis ang pagdedesisyon at pagkilos

Mas ligtas para sa may limitadong galaw at tagapag-alaga

Ano ang Matututunan mo?

Mga gabay at kaalaman para mas ligtas na paghahanda at pagkilos.

Paano manatiling ligtas kapag mag-isa?

Tips para sa mga may kapansanan sa paa para manatiling ligtas sa gitna ng baha.

Paano tulungan ang PWD sa paghahanda sa baha?

Suportahan ang mga taong may kapansanan sa paa sa bawat hakbang ng paghahanda sa baha.

Ano ang kahalagahan ng Inklusibong Paghahanda?

Alamin ang mga kwento at stratehiya mula sa PWDs, caregivers, at experts.

Walang Maiiwan sa Pag-ahon

Sa pamamagitan ng tunay na karanasan ng mga may kapansanan sa paa, kanilang tagapag-alaga, at gabay mula sa mga eksperto, layunin ng AHON na magbigay-liwanag sa mga hamon at pangangailangan sa oras ng baha.

Tumawid po kami sa mga bubong, humawak kami sa mga lubid para makaakyat doon sa third floor sa may mataas na bahay.


Marie

Housewife at may Hemiparesis

Syempre yung nakikita mo yung pamilya mo, gusto mo tumulong... lalo na sa asawa ko kasi mabigat [yung mga iakyat ng gamit]... pero hindi mo magawa kasi hindi mo rin kaya


Katherine

Housewife at may progressive osteoporosis

Mahirap na eh, baka yung isa naman yung malaglag, yung senior ko [kapatid] o kaya ako o sino man sa amin. Kaya kailangan ng awareness...


Rejuvi

Barangay kagawad at tagapag-alaga

Pareho kaming nandito sa loob ng bahay. Mabilis nga yung akyat ng tubig kaya wala rin kaming [naiakyat] na gamit. ‘Di namin aakalain na aabot sa pinaka-itaas namin ang tubig


Ligaya

Housewife at tagapag-alaga

Scroll to Top