Kilalanin ang

Sa oras ng baha, dapat walang maiiwan sa pag-ahon.

Ang Ahon ay isang gabay sa kaligtasan sa baha para sa mga may kapansanan sa paa at kanilang mga tagapag-alaga. Layunin nitong magbigay ng praktikal na estratehiya at paghahanda upang makatulong sa mas ligtas na pagkilos bago, habang, at pagkatapos ng baha.

Binuo ang Ahon mula sa paniniwalang ang paghahanda sa sakuna ay dapat naaabot ng lahat—lalo na ng mga may natatanging pangangailangan sa paggalaw. Sa oras ng baha, mahalagang may sapat na kaalaman, malinaw na gabay, at maaasahang sistema upang makakilos nang ligtas at maagap.

Layunin Para sa Ligtas na Pag-Ahon sa Baha

Ang AHON ay nakatuon sa pagbibigay ng inklusibo at praktikal na gabay sa kaligtasan sa baha para sa mga may kapansanan sa paa at kanilang mga tagapag-alaga. Sa bawat hakbang, layunin naming tiyakin na may sapat na kaalaman, suporta, at paghahanda upang walang maiwan sa oras ng baha.

Misyon

Magbigay ng inklusibo, praktikal, at madaling maunawaang gabay sa kaligtasan sa baha para sa mga may kapansanan sa paa at kanilang mga tagapag-alaga, upang matulungan silang makapaghanda at makakilos nang mas ligtas sa oras ng sakuna.

Bisyon

Isang komunidad kung saan ang mga may kapansanan sa paa at kanilang mga tagapag-alaga ay may pantay na akses sa kaalaman, suporta, at paghahanda—upang walang maiiwan sa oras ng baha.

Scroll to Top