Mga Hakbang sa Kaligtasan sa Baha

Mga gabay at praktikal na hakbang para sa mas ligtas na paghahanda at pagkilos sa oras ng baha para sa mga may kapansanan sa paa at kanilang mga tagapag-alaga.

Kung Ikaw ay May Kapansanan sa Paa at Walang Agarang Kasama

TANDAAN :

Kung may abiso ng paglikas, lumikas na agad habang kaya pa.

Kung kailangan ng tulong:

  • Humingi agad sa pamilya
  • Makipag-ugnayan sa kapitbahay
  • Ipaalam sa barangay ang iyong kalagayan

Kung hindi makalikas:

Pumwesto sa mataas at matibay na lugar

Siguraduhing ligtas ang daanan mula sa tubig

Panatilihing malapit ang assistive device at gamot

Kung Ikaw ay Caregiver

Bilang tagapag-alaga, mahalagang maging handa sa pag-aalalay at paglikas.

Bago o habang tumataas ang tubig:

Ihanda ang “dry zone” o mataas at tuyong lugar

Siguraduhing abot-kamay ang assistive device

Maghanda ng ligtas na daan palabas

Sa pagtulong sa paggalaw o paglikas:

Alalayan nang dahan-dahan at sabay sa galaw

Gumamit ng gait o transfer belt kung mayroon

Siguraduhing kontrolado at ligtas ang bawat hakbang

Sa oras ng baha:

Panatilihing mataas ang puwesto ng may kapansanan sa paa

Iwasan ang direktang contact sa maruming tubig

Gumamit ng makeshift flotation kung kinakailangan

Scroll to Top