SAFETY STRATEGIES

Paano Tumulong sa Person with Disability bilang Caregiver

Ang paghahanda ngayon ay makatutulong sa mas ligtas na pagharap sa baha. Narito ang mga mahahalagang bagay na dapat ihanda.

Go Bag Checklist

Kung ikaw ay mag-isang nakatira o magkataon na walang kasama sa oras ng baha, makatutulong ang go bag upang maging handa sa paglikas at paghingi ng tulong.

Mga Pangunahing Pangangailangan


Tubig at Pagkain

Inumin at ready-to-eat o madaling kainin na supply na tatagal ng 3–7 araw upang may sapat na lakas at maiwasan ang dehydration

Gamot o Reseta

Mga gamot na regular mong kailangan at kopya ng reseta para sa tuloy-tuloy na pag-inom at mas madaling paghingi ng refill o tulong medikal kung kinakailangan.

Mobility Aid

Mga kagamitang tumutulong sa paggalaw tulad ng saklay, walker, tungkod, o wheelchair.

Flashlight

Makakatulong sa paggalaw sa madilim na lugar lalo na kung mawalan ng kuryente.

First Aid Kit

Para sa agarang lunas sa sugat, gasgas, o biglaang pangangailangan habang may baha o paglikas.

Whistle o Pito

Mabilis na paraan para makahingi ng tulong kung hindi agad makatawag o makasigaw.

ID at Documents

Mga dokumentong tulad ng PWD ID, PhilHealth ID, valid ID, at medical records para sa mas mabilis na paghingi ng tulong at serbisyong medikal.

Cellphone

Mahalaga para sa komunikasyon, pagtanggap ng updates, at paghingi ng tulong. Siguraduhing fully charged ang cellphone at may extra battery mula sa powerbank kung mawalan ng kuryente.

Waterproof Bag

Lalagyan para mapanatiling tuyo at ligtas ang mahahalagang dokumento, gadgets, gamot, at iba pang sensitibong gamit habang may baha.

Iba pang Kagamitan na Makatutulong sa Panahon ng Bagyo Baha


Headlamp

Mas mainam kaysa handheld flashlight dahil libre ang dalawang kamay habang naglalakad, humahawak sa support, o lumilikas sa madilim na lugar.

Raincoat o Kapote

Pananggalang sa ulan upang manatiling tuyo at maiwasan ang ginaw habang lumilikas onaghihintay ng tulong.

Strap o Gait Belt

Makakatulong sa mas ligtas at mas kontroladong pag-alalay o pagbuhat.

Floatation Device

Maaaring life vest, salbabida, o improvised flotation device tulad ng selyadong galon o bote para sa dagdag na suporta at pananatiling nakaangat sa tubig kung kinakailangan.

TIps sa paghahanda at paglikas

Mga estratehiya na maaaring gawing kapag mag-isa sa bahay at hindi makalikas agad.

TAMA

Maghanda ng evacuation plan nang maaga

Alamin ang pinakamalapit na ligtas na lugar at kung paano makakarating doon kasama ang PWD. frame na gawa sa kahoy.

Gumawa ng “dry zone” sa loob ng bahay

Maghanda ng mataas at tuyong lugar para sa PWD at mga mahahalagang gamit.

Alalayan nang dahan-dahan at siguraduhin ang balanse

Iwasan ang pagmamadali upang maiwasan ang aksidente.

Lumikas agad kapag may abiso o tumataas na ang tubig

Mas ligtas ang maagang paglikas kaysa maghintay hanggang mahirapan nang kumilos.

MALI

Hintaying lumalim ang baha bago kumilos

Mas nagiging mahirap at mapanganib ang paglikas.

Iwanang malayo ang mobility aid o go bag

Mahalaga ang mabilis na access sa mga ito sa oras ng emergency.

Buhatin ang PWD nang mag-isa kung hindi kaya

Maaaring magdulot ito ng pinsala sa inyong dalawa.

Piliting tumawid sa malakas o mabilis na agos

Mataas ang panganib ng pagkadulas, pagkahulog, o pagkakatangay.

Panoorin ang bidyo para alamin pa ang mga estratehiya at tips sa baha.

MEAWW Method

Simpleng gabay sa paghingi ng tulong.

Me

Sino ka? Sabihin ang iyong pangalan bilang humihingi ng tulong.

Emergency

Ano ang nangyari? Ipaliwanag ang sitwasyon o uri ng emergency.

Address

Saan? Ibigay ang eksaktong lokasyon para mas madaling mahanap.

When

Kailan nagsimula o gaano ka-urgent?

Who

Banggitin kung sino ang kailangang iligtas o tulungan.

Halimbawa :

Ako si Carlo. Kailangan namin ng rescue. Nasa 45 Sampaguita Street kami at tumataas na ang baha. Kasama ko ang kapatid kong may kapansanan sa paa at hirap makagalaw.

Scroll to Top