SAFETY STRATEGIES

Paghahanda sa Baha bilang Person with Disability

Ang paghahanda ngayon ay makatutulong sa mas ligtas na pagharap sa baha. Narito ang mga mahahalagang bagay na dapat ihanda.

Go Bag Checklist

Kung ikaw ay mag-isang nakatira o magkataon na walang kasama sa oras ng baha, makatutulong ang go bag upang maging handa sa paglikas at paghingi ng tulong.

Mga Pangunahing Pangangailangan


Tubig at Pagkain

Inumin at ready-to-eat o madaling kainin na supply na tatagal ng 3–7 araw upang may sapat na lakas at maiwasan ang dehydration

Gamot o Reseta

Mga gamot na regular mong kailangan at kopya ng reseta para sa tuloy-tuloy na pag-inom at mas madaling paghingi ng refill o tulong medikal kung kinakailangan.

Mobility Aid

Mga kagamitang tumutulong sa paggalaw tulad ng saklay, walker, tungkod, o wheelchair.

Flashlight

Makakatulong sa paggalaw sa madilim na lugar lalo na kung mawalan ng kuryente.

First Aid Kit

Para sa agarang lunas sa sugat, gasgas, o biglaang pangangailangan habang may baha o paglikas.

Whistle o Pito

Mabilis na paraan para makahingi ng tulong kung hindi agad makatawag o makasigaw.

ID at Documents

Mga dokumentong tulad ng PWD ID, PhilHealth ID, valid ID, at medical records para sa mas mabilis na paghingi ng tulong at serbisyong medikal.

Cellphone

Mahalaga para sa komunikasyon, pagtanggap ng updates, at paghingi ng tulong. Siguraduhing fully charged ang cellphone at may extra battery mula sa powerbank kung mawalan ng kuryente.

Waterproof Bag

Lalagyan para mapanatiling tuyo at ligtas ang mahahalagang dokumento, gadgets, gamot, at iba pang sensitibong gamit habang may baha.

Iba pang Kagamitan na Makatutulong sa Panahon ng Bagyo Baha


Headlamp

Mas mainam kaysa handheld flashlight dahil libre ang dalawang kamay habang naglalakad, humahawak sa support, o lumilikas sa madilim na lugar.

Raincoat o Kapote

Pananggalang sa ulan upang manatiling tuyo at maiwasan ang ginaw habang lumilikas onaghihintay ng tulong.

Floatation Device

Maaaring life vest, salbabida, o improvised flotation device tulad ng selyadong galon o bote para sa dagdag na suporta at pananatiling nakaangat sa tubig kung kinakailangan.

TIps sa paghahanda at paglikas

Mga estratehiya na maaaring gawing kapag mag-isa sa bahay at hindi makalikas agad.

TAMA

Umakyat sa mataas at matibay na lugar

Kung hindi agad makalikas, pumwesto sa mataas na bahagi ng bahay o umupo sa matitibay na gamit tulad ng dining table, upuan, o bed frame na gawa sa kahoy.

Ihanda ang go bag at mga gamit nang maaga

Siguraduhing madaling maabot ang mahahalagang gamit bago pa tumaas ang tubig.

Ilagay ang mobility aid sa madaling maabot

Panatilihing malapit ang saklay, walker, o wheelchair upang magamit agad kung kinakailangang kumilos o lumikas.l

Lumikas agad kapag may abiso o tumataas na ang tubig

Mas ligtas ang maagang paglikas kaysa maghintay hanggang mahirapan nang kumilos.

Humingi agad ng tulong kung kinakailangan

Makipag-ugnayan sa pamilya, kapitbahay, o barangay kung kailangan ng assistance.

MALI

Iwasan ang marurupok o magagaang gamit

Huwag gumamit ng monobloc chairs, folding furniture, o anumang madaling matumba o lumubog dahil maaaring hindi kayanin ang bigat ng katawan.

Hintaying lumalim ang baha bago kumilos

Maaaring mas maging delikado at mahirap ang paglikas.

Iwanan ang gamot, dokumento, o mobility aid

Mahalaga ang mga ito para sa kaligtasan at pangangailangan sa evacuation.

Piliting tumawid sa malakas o mabilis na agos

Mataas ang panganib ng pagkadulas, pagkahulog, o pagkakatangay.

Umasa lamang sa sariling lakas kahit nahihirapan

Mas mabuting humingi ng tulong kaysa ilagay sa panganib ang sarili.

Panoorin ang bidyo para alamin pa ang mga estratehiya at tips sa baha.

MEAWW Method

Simpleng gabay sa paghingi ng tulong.

Me

Sino ka? Sabihin ang iyong pangalan bilang humihingi ng tulong.

Emergency

Ano ang nangyari? Ipaliwanag ang sitwasyon o uri ng emergency.

Address

Saan? Ibigay ang eksaktong lokasyon para mas madaling mahanap.

When

Kailan nagsimula o gaano ka-urgent?

Who

Banggitin kung sino ang kailangang iligtas o tulungan.

Halimbawa :

Ako si Carlo. Kailangan namin ng rescue. Nasa 45 Sampaguita Street kami at tumataas na ang baha. Kasama ko ang kapatid kong may kapansanan sa paa at hirap makagalaw.

Scroll to Top