Mga Proyekto ng Ahon

Mga kwento, gabay, at materyales na binuo upang palakasin ang kahandaan at kaligtasan ng mga may kapansanan sa paa at kanilang mga tagapag-alaga sa oras ng baha.

Dokumentaryo

Walang Maiiwan sa Pag-ahon sa Baha

Isang dokumentaryong naglalaman ng tunay na karanasan, pananaw mula sa mga eksperto, at kwento ng mga may kapansanan sa paa at kanilang mga tagapag-alaga. Layunin nitong ipakita ang mga hamon, pangangailangan, at kahalagahan ng inklusibong paghahanda sa baha.

Reel Series

1.

Handa sa Baha

Tuklasin kung paano naghahanda ang mga taong may kapansanan sa paa at kanilang mga caregiver bago ang baha mula sa paghahanda ng go bag hanggang sa pagprotekta ng mahahalagang gamit. Dahil ang maagang paghahanda ay susi sa kaligtasan.

2.

Piliin ang Ligtas

Sa gitna ng baha, bawat desisyon ay mahalaga. Ipinapakita sa episode na ito ang mas ligtas na mga paraan ng pag-alalay at paggamit ng tamang kagamitan upang maiwasan ang aksidente at mapanatili ang kaligtasan.

3.

Tips sa Baha Para sa mga Caregiver

Nakatuon sa mga tagapag-alaga, ibinabahagi sa episode na ito ang mahahalagang hakbang sa paghahanda at pagresponde sa oras ng baha—mula sa pagbuo ng dry zone at paghahanda ng flotation device hanggang sa ligtas na pag-aalalay at tamang paghingi ng tulong.

4.

Ligtas Tips Para sa may Kapansanan sa Paa

Para sa mga taong may kapansanan sa paa, ipinapakita sa episode na ito ang mga praktikal na hakbang upang manatiling ligtas kahit mag-isa sa panahon ng baha mula sa paghahanda ng gamit hanggang sa tamang paggalaw at paghingi ng tulong.

Brochure

Ahon Guide:

Ligtas sa Baha

Ang “Ligtas sa Baha” trifold brochure ay naglalaman ng malinaw at praktikal na gabay sa kaligtasan para sa mga taong may kapansanan sa paa at kanilang mga tagapag alaga. Ipinapakita nito ang mga dapat ihanda at mga hakbang na maaaring gawin bago at habang may baha upang makatulong sa ligtas na pagharap sa sitwasyon.

Reaksyon ng Komunidad sa Ahon

Mga karanasan mula sa mga nakapanood, nakabasa, at naging bahagi ng Ahon.

Mag-iwan ng Reaksyon
Scroll to Top